Matagal tagal na din ang nakalipas ng mag lakbay ang Ama patungo sa deserto marami ng taon nakalipas di nag kasama-sama at marami na ding taon ang paskong di nagkasalo-salo ilang taon na din ang nakalampas sa kaarawan hindi nakasama sa pag diriwang ng kaarawan ngunit sa taong ito tsak na si Ama’y pauwi na dahilang sa naging malaking problema ay natapos na. Ang Ama’y pauwi na sa ilang taon na pangungulila mula sa paglalakbay dala ang manikang hiling ng anak.
Sa pag babalik bitbit ang maleta na naglalaman ng dawalang manika para sa dalawang anak sa tagal na nagkawalay at sa mga anak ay pananabik at muling mayakap ilang buwan bakasyon ilalaan ang buong maghapon at gabi'y gugugulin dahil sa pag babalik at muling pag lalakbay sa bansang banyaga daladala ang ilang buwan na kaligayahan na sila'y muling nakapiling subalit muling magtitiyaga na ang mga anak ay di muling makasama at ilang taon na naman pananabik at pangungulila ngunit tiyak naman sa mga susunod na taon palagi ng mag kakasama-sama.
Dala ang pag-asang mabigyan ng magandang kinabukasan dahilan sa edukasyon ang nagbigay sa ng lakas ng loob para makipag sapalaran sa magiging hamon ng buhay sa sakripisyo'y handang ialay hanggat ang ama ay binibigyan ng hininga at buhay mananatili ang determinasyon. Naging medyo mahirap man ang naging pakikisalamuha sa iba-ibang lahi ngunit ang buhay handa sa kanilay ialay sa pag hahanap buhay. Malayo man magtitis kahit sa kalaliman ng gabi’y tumatangis,lumuluha na di kasama sa araw-araw.
Dadating ang araw na magkasama-samang muli bagama’t matagal-tagal ng nawala kinabukasan at pag-aaral ng mga supling pinaghandaan mula sa pangingibang bayan masarap at mahirap ang pangingibang bayan sarap na masasabi dahilan naibibigay ang pangangailangan yan ang kasiyahan nararamdam at kalungkutan minsan napapakiramdaman at napag dadaanan sa pangingibang bayan dahilan milya milya ang kalayuan maraming bansa libo-libong bayan ang dinaanan mula sa itaas na pinagmasdan kasama ng mga ulap sa kalangitan.
Dala ang kasiyahan at may konting kalungkutan na muli ang anak ay maiiwanan upang muli'y makikipag sapalaran sa bansang muling papatunguhan at pangungulila man ang maging kapalit kikitaing salapi ama ay mag pupumilit na makaipon upang hindi na muli pang mawalay kayat konting tiis pa anak si ama ay pauwi na. Anak ay nagungulila sa Ama'y ninanais makasama sa mga panahon na silay nangungulila sa Ama ngunit wala din naman magawa ang amang manglakbay dahil sa hirap ng buhay kailangan lang ang magtiis ,magtiyaga kahit nandyan pa’y manabik sa isat-isa. Naliligid man ang mga luha di na mag tatagal muli ng magkakasama sama sa isang tahanan puno ng pag asa.