Monday, October 17, 2011

Piyesa ng pagkatao










Ako'y isang baguhang sumusulat. Oo ako si applefunks12 isang baguhang sumusulat mas kilala sa pangalang Dennis.
Di ko naman pinangagalandakan ang aking mga isinusulat para ako ay sumikat at masabing ako'y blogero o maka kuha ng pansin ng tao sumusulat lamang ako sa kadahilanang ako'y nagiging masaya na naisusulat ang mga kaganapan at nangyayari sakin pag araw araw na pakikisalamuha sa mga tao.

Ako'y marami pang hinahanap sa aking pagkatao parang isang palaisipan na mahirap buuin.
Alam kung di lahat ng makakabasa ng mga isinulat ko ay susunod sa agos na animoy parang mga isdang nag lalaro ng malaya sa tubig.
Na ang ilan ay sumusunod habang ito'y kalmado at ang ilan nama'y sasalungat pag malakas na ang galasgas ng agos nito.

Diyan naman din ako nakakakuha ng isang magandang inpormasyon sa lahat ng mga puna sa king sarili. Kaya't pasasalamat pa din ang tanging nasa isipan ko kung isa ka sa nag bibigay ng mungkahi sa akin.
Dahil ikaw at ang ilan pang nakakakita sa akin ang siya naman talagang makakapag bigay ng isang ideya na dapat pang baguhin sa aking sarili.

Marami din namang kasiyahan sa akin sarili pero kahit na may saya't ngiti ito sa aking muka'y marami din pala akong sugat buhat sa aking puso. Na nakatago at isa isa naman itong mag hihilom sa panahong natatagpuan ko ang mga pyesang hinahanap ko.

Buhat naman sa kadahilanang ikaw ang nagbigay sa akin ng ideya't akin namang sariling pagsisiskapang mabuo ang lahat ng ito at kung saang parte naman ng aking pagkatao ilalagay ang piyesang aking nakuha buhat sa tulong mo at sa ilang mga taong aking nakasalamuha sa pang araw araw.

Nag sisilbing isang aral ang lahat ng mga suliraning aking nakakasagupa't mag sisilbi naman itong parang aking Guro.
Upang mahasa ang aking pag iisip at madadagdag pa sa aking kaalaman. Paraan kung paano lumaban ng di na muling masugatan ang puso't aking damdamin. Upang hindi na din maging isang pusong bato't matigas na damdamin na parang ubod ng matandang kahoy na walang kasing tigas na sya pading nakatayo sa gitna ng masukal na kagubatan.

Sa paraang ito'y aking nakakalimutan ang ilan sa akin mga suliraning naganap sa akin buhay. Kaya't natatawa nalamang ako matapos na aking mailimbag ang lahat ng ito sa paraang ginagamit ko ang aking malayang kaisipan at mabuo ko ang naganap na sa aking pag katao at buhat sa aking personal na pangyayari sa aking sarili.