Monday, September 17, 2012

Paraiso ni Anie.



Lumilipad-lipad ang isang alitaptap sa isang madilim na kagubatan malayo sa kaguluhan tanging mga alingaw-ngaw lamang ng mga gamo-gamo, palaka at ibang pang insekto ang maririnig sa tuwing sasapit ang gabing madilim ilaw ng alitaptap tanging makikita sa paligid sige lipad pa lipad alitaptap wika ng isang paslit na malayo sa kabihasnan hindi tulad ng karamihan isang batang hindi pang karaniwan kung iyong mapag-mamasdan. Sa isang maliit na kubo ang tahanan ng batang paslit kasama ang kanyang mga magulang isang batang pinalaki ng malayo sa kabayanan na ang kapaligiran ay isang kakahuyan na kung magtatakip silim gasera ang kalingan upang mailawan ang kanilang munting loob ng tahanan.

Sa pag-sapit ng dilim batang paslit alitaptap kanyang hanap sapagkat ito ang kanyang madalas na nakikita tuwing lalalim ang gabi sa kanilang kapaligiran.  Isang gabi ang batang paslit na si Anie ang pangalan matapos mag-hapunan sa kanilang maliit na munting tahanan maya-maya’y nakaramdam na ng antok ang batang si Anie sabi nya sa kanyang ina Inay magpapahinga na po ako sa itaas at nakakaramdam na  po kasi ako ng  pagka-antok eh. Anak maglinis ka muna ng paa at katawan mo bago ka tuluyang mag-pahinga hintayin mo lamang saglit ang iyong ama siya ay padating na dala ang tubig mula sa balon wika ng kanyang Inay.

Matapos maglinis ni Anie siya ay tuluyan na ngang nag-pahinga maya-mayay nakatulog na ang batang paslit na si Anie habang sa pagkakahimbing niya sa kanyang pagkakatulog naglakbay ang kanyang diwa. Paro-paro paro-paro kay gandang mga paro-paro kasama ng ilang alitaptap sa hardin sa kagubatan na para bang isang maliit na paraiso bakit ako naririto? Wika ni Anie sa kanyang sarili kanina lamang ay naalala ko na akoy nag hapunan at nag pasyang magpahinga ng maaga ngunit bakit ako naririto sa isang paraisong ngayon ko lamang nakita?

Nagpatuloy ang kanyang panaginip naglalakbay na kanyang diwa animoy parang isang totoo kanyang nakikita at may tinig na narinig ang batang si Anie hindi kalayuan sa kanyang kinatatayuan tinig na kanyang naririnig dibat kay gandang pag-masdan paro paro’t alitaptap kumikinang na paligid ginto at pilak iyong makikita sa aming kapaligiran? Wika ng misteryong tinig sa batang paslit.
Naglakad lakad pa si Anie sa hardin siya’y namamangha sa kanyang nakikita isang mahabang mesa ang kanyang nakita punong puno ng masasarap na pagkain inihaw na manok mga hinog na prutas siyang naka-hain.

Sa kanyang pag-lalakbay sa isang pambihirang paraiso walang hangganan kasiyahan kanyang nakakamit ngunit sa kanyang pag-gising normal na hardin kanyang lilinisan upang makatulong sa kanyang mga magulang para sa kanilang kabuhayan na madadala sa bayan. Ito ang tunay na paraiso paraisong malayo man sa kabihasnan ngunit ito ang makatotohanang paraiso ni Anie kasama ang kanyang mga magulang sa pag-papatuloy ng paglalakabay at gabay sa kanyang mura at musmus na isipan. 



 Ang kwentong pambatang ito ay aking lahok sa Sarangola Blog Awards 4