Tumingala
ako sa taas ng kalangitan ng makita ko ang liwanag ng buwan na unti
unting natatakpan ng mga ulap na nagbabadya ng kadiliman na akin ng
napag mamasdan mula sa kalangitan . Maraming taon na din ang lumipas ng
aking huling masaksihan ang ganitong pag kakataon na nakahiga sa damuhan
habang nakatingin sa kalangitan at pinag mamasadan ang buwan sa liwanag
na aking nasasaksihan na aking din kasama ang mga kaibigan.
Maraming pangarap na napag-uusapan habang nag iinuman sa gitna ng
malawak na damuhan ang ilan ay nakahiga sa siksik na damuhan na
mistulang alpombra na lalapat sa aming mga likuran. Sa liwanag ng sikat
ng buwan mula sa kalangitan kasama ng mga bituin nag niningning habang
pinag mamasdan ito'y halo halong saya at lungkot ang bumabahid sa isipan
sa bawat nilalang na nakatingala sa kalupaan. Hindi namamalayan ang
oras dala ng masayang kwentuhan at kulitan mula sa aming kabataan na
hindi namin malilimutan kahit kami'y nagsilisan na sa aming bayan
sinilangan.
Halakhak dahil sa
kalasingan mula sa serbesa kagalakan sa aming pag-kakaibigan na parang
wala na ngang kinabukasan inaabot pa ng paglubog na ng buwan mga tala na
lamang ang syang matatanaw sa kalangitan at ang malamig na hangin ang
dadampi sa aming katawan na hihimasmas sa paglipas ng mga oras. Kantahan
walang kaparis kahit na sentonado pa ang aming mga tinig na sa iba'y di
naman kaaya-aya't kanais-nais marinig ngunit sa amin naman panig kami'y
dirin padaraig sa aming daigdig.
Usok at munting apoy na parang
alitaptap sa gitna na ng kadiliman ang syang ma-aaninag bagama't ang
buwan ay nagtago na sa kanyang malayang kalawakan ngunit talagang
dadating ang panahon at oras na ang kadiliman kahit sa mga kaibigan ay
dadating. Mag lalaho ang ilan dadating din ang oras at panahon na muli
naman syang mag papakita sa kalangitan at mag bibigay muli ng liwanag sa
gabi ng kasarinlan.
Kagalakan sa
aming pagkakaibigan murang edad ng kabataan na hindi na malimutan sa
tuwing nakatingala sa ilalim ng kabilugan ng buwan kay sarap alalahanin
na minsan sa aming pag kakaibigan nagkasamasama kaming nagtatawanan. Di
maiaalis sa pag kakaibigan na ang panahon kailangan na din sila'y
pansamantalang iwanan at dalahin ang alala ng pag-kakaibigan para sa
kinabukasan naman ang aming pag-isipan alaala sa maliwanag na sikat ng
buwan at bituin na matatakpan nag ulap sa mataas na kalangitan maraming
alaala sa puso ng bawat isa kung inyong mapag mamasdan sa itaas ang
liwanag sa malalim na gabi ang mag babalik parati sa ating pag
kakaibigan. Hayaan mong dalahin ka sa iyong nakaraan nakaupo,nakahiga ka
man sa damuhan at kung saan man.
Tiyak
kong maaalala mo lahat ang ating nakaraan nagtawanan,nag
kwentuhan,nag-inuman,napaiyak dahil sa mga problemang nakaharap sa mga
niligawan at pamilya ng iyong kasintahan, problema sa sariling pamilya,
mga pinagplanuhan sa sariling buhay at kalokohan ng bawat isa yan ang
ating mga nakalipas kung ano na tayo ngayon sa ating kinahinatnan buhat
sa ating pag-kakaibigan na hindi na mabubura sa ating mga alala na
kaylan man dito sa ating mga isipan dahil ikaw ako tayo ay nagkaisa
naging bahagi ako,naging bahagi ka rin at naging bahagi din sila ng
ating buhay na nagdala ng maraming pag-asa.