Lingid
sa karamihan ang kayamanan ay sa salapi lamang nakikita sa pustura ng
pananamit. Ngunit sa akin ang totoo kung kayamanan ay ang aking
pag-mamahal na aking mabibigay lamang sa taong mag mamahal sa akin ng
totoo ng walang pag-aalinlangan. Wala man akong yamang salapi magagarang
kagamitan at pananamit mga perlas at kumikinang na palamuti.
Ang
tunay na kayamanang aking tinataglay na sa iyo lamang gusto ko itong
ialay kasama ang mga mahal mong tao sa buhay. Sa dami na ng kasawian sa
pag-ibig na sana'y ikaw na ang makasama sa panghabang buhay wala ng iba
pang ninanais. Pangarap mong gustong makamit na lagi sa aki'y iyong
bukang bibig na akin sisikapin sayo mai-handog.
Wala
akong magagawa sa iyong pag-aalinlangan na aking naramdaman sa mga
biro-biro mong tumatagos sa aking damdamin ako'y nasusugatan. Marami na
sa akin ang pighati ang napagdaanan marami ng problema ang nalampasan
dadating na ang kalangitan ay magliliwanag sa maitim na ulap aking
natahak.
Pagmamahal
ko ng totoo sa iyo ang aking tunay na kayaman hindi man ito karangyaan
ngunit dito sa aking puso't isipan nais ko itong panindigan ng taos puso
para sayo hanggat ako'y iyo pang kailangan.