Thursday, December 1, 2011

Disyembre.✍

Ilang taon na din ang lumipas na hindi kasama ang mga kamag-anak na naiwanan sa pilipinas ilang pasko at bagong taon na ang nagdaan sa mga handaan di nakasama ang pamilya nakaka-miss ngunit kailangan pa munang magtiis kahit sabik na sa mga anak mag-pupumilit ang sarili'y bigyan ng konting galak at kasiyahan kahit sa panlabas ay may halakhak sa kalooba'y may kalungkutan pilit parin kinukubli.

Buwan ng disyembre ang lahat ay nagsasaya maswerte ang ilan sa mga pamilya buo at nag kakasama-sama gumagala sa plaza O kaya'y mag pupunta sa 'mall of asia' ang ilan namang pamilya gaya ng nasa ibang bansa magpupumilit maging masaya hinihintay na mensahe galing sa pamilya at ang isa'y naiinip ng matapos ang kontrata upang ang kanyang pamilya ay muli ng makasama sa mga susunod pang buwan ng disyembre.

Malamig na disyembre ang nadarama pagkasabik sa mga magulang,anak at kamaganak malamig na luha ay unti unting pumapatak sa pag tatrabaho na lang ito itatapat upang maibsan ang pag-iyak sa pamilyang gusto ng mayakap dahilan sa maraming taon na din ang lumipas na sa litrato lamang ang tanging kayakap. Biniling mga regalo para sa pasko sa kahon ito'y kanyang inipon upang sa pag babalik ito'y kanya naman baon bilang pasalubong.

Ilang pasko at bagong taon na din ang nagdaan at sa ilan ay di na namamalayan sa lupang kanyang natatapakan hindi pwede ang kanyang nakagisnang kasiyahan kaya't sa paglipas ng buwan sana'y dumating na ang magandang kinabukasan para sa pamilya'y di na muli pang maiwanan at sa tahanan ay ngiti at halakhak na lamang ang syang pag-sasalusaluhan ng bawat pamilyang dumaan sa matagal na kalungkutan.
~
~