Sunday, October 30, 2011

Mapaglarong isipan.✍


`
Dahil sa dami ng iniisip, naglalaro at pumapasok sa isipan
Di mo na din alam kung may nasasaktan o may
Nahihirapan na din pala bukod sa kakaibang pag-iisip
Marami pa palang dapat pagtuunan ng pansin.
`
Di lang nakikita dahil sa pagkabulag ng mga mata at
Ng isipan,bigat na nararamdan na hindi naman dapat
At dahil sa mapaglarong isipan at panga-ngamba
Hindi na makapag-isip ng nasa tama.
`
Bakit di hayaan na makisalamuha at tingnan ang sarili
Ng makita kung ano nga talaga ang aktibidad sa buhay
Dahil sa kuro kurong kakaiba hindi na makitang
May iba pang mga bagay-bagay.
`
Wala naman masama kung malayang pag isipan
Ang lahat lalo na't ang lahat ay may hangganan at wakas
Buksan lang ang isipan at malayang tanggapin ang mga suliranin
Dadating ang isang araw at makikita na kaysarap pala ng buhay.
`