`
Marami na ding taon ang lumipas ng sila'y nagkakilala
Maraming panahon ang naibuhos sa kamusmusan
Ay pinatulan bunga ng pag mamahalan ng nahinog ay kasawian
Ang bungang akala ay katamisan ng pag-iibigan.
`
Ngunit sa dami na din ng napag usapan at napag planuhan
At sa isang iglap isang mensahe sa telepono ang di katanggap-tanggap
Isa pala itong nilalang na mapagpanggap sa mga matatamis na salita
Ay pinalalasap sa isang babaeng halos mawalan ng ulirat sa kakaiyak.
`
Sa kasawiang kanyang natamo at nakamtam mula sa lalaking
Walang isang salita't paninindigan.
Ngunit sa panahon ng kasawian nandyan naman ang mga tunay na
Mga kaibigan na sya namang handang damayan mula sa pighating
Kanyang pinagdadaanan.
`
Kaming mga kaibigan mo'y handa kang damayan buhat sa iyong
Pinagdadaanan. Kasawian man ang pagdaanan andito lang kaming mga
Kaibigan mong handa kang suportahan basta kami'y iyong kailangan
Kami'y papariyan sa iyong harapan handang makipag inuman
kahit saan.
`
At kung tinaman dahil sa kalasingan sa pag ibig
Wag mong ibato ang teleponong hinahawakan
Dahil sa bagay na yan dyan mo nalaman ang kanyang
Mga kasalan at pag kukulang.
Kaya't aking kaibigan wag mo pasakitan ang iyong damdamin
Buhat sa iyong pinagdadaanan kapighatian..
`