Monday, October 17, 2011

weather, weather nga lang yan kabayan"

Dadaan na naman ang isang pasko sa ilang buhay ng mga OFW na may kalungkutan na nararamdaman marahil ay isa na ako doon.
Ang ilan ay nag iisa at nagpupumilit maging masaya para lamang sa pamilya yan ang kadalasang maririrnig mo sa ilang OFW masakit mahirap pero kailangan lang tanggapin dahil wala naman magawa kundi tanggapin at isipin nalang masaya naman sila sa pinas. 

Maraming sakripisyo sa buhay ng OFW yan naman talaga ang totoo diba? Ang ilang ay pinapalad masasabing may swerte at ang ilan naman ay  naghihinagpis o masasabing inalat sa pag aabroad weather,weather nga lang daw yan pag dipa para sayo walang pinaka mainam gawin kundi mag hintay sa tamang panahon..


Akoy isa din naman sa OFW na sa bansang Kuwait nag umpisa akong mag trabaho sa isang maliit na coffee shop umasang suwerte ang katapat at duo'y magiging maganda ang kapalaran ngunit isa palang kabaliktaran ang lahat dahil sa mga among sakim at walang pakungdangan gipitin ang kanyang manggagawang PILIPINO. 

Ang ilan sa aking naabutang mang-gagawa sa coffe shop na ito ay mga Pilipino din kahit silay hirap na sa pag tatrabaho dito'y wala din silang magawa dahil ibat iba nga ang katuwiran at pag iisip o opinyon ng mga tao na wala kang marinig kundi "OKAY" lang yan kesa naman umuwi ng pilipinas.

Marahil ay sa takot,agam agam na din na silay magawaan  pa ng problema kaya't kahit hirap ang katapat at mababang sahod di sapat sila'y nagtitiis na mag trabaho dito. Ngunit di naman talaga sila masisisi dahil sa hirap ng buhay sa pilipinas kailangan lang tiisin ang kapalarang magtrabaho sa lugar na ito kahit gaano man ito kahirap sila'y handang magtitiis at mag titiyaga sa kaunting sinasahod.

Sa aking palagay ako ang unang tumayong lumaban sa nasabing coffee shop na ito na nagtangka ding humingi ng release/kalayaan kahit lingid sa aking kalaaman na hindi talaga nagbibigay ang kompanyang ito ng kalayaan para sa kanyang magtatrabaho. Dahil sa sobrang baba ng pasahod nito kaya't  naisipan kung mag hanap ng ibang trabaho ng matapos ko ang kontrata ko sa loob ng tatlong taon doo'y nagbitiw na din ako ng may maayos na kasulatan na naka saad doon ang relaese/kalayaan kung mag trabaho sa iba dahil yun naman talaga ang patakaran ng bansang Kuwait at yan din ay alam ng karamihan.

Walang gustong tumulong at ang ila'y nangingilag pa  sa tuwing sila'y matatawagan at may nagsabi pang pagnanalo kana lamang ay tsaka kami mag bibitiw hahaha..nakakatawa diba?? uy' sa mga tinamaan pasantabi lamang po at ako'y nag kukuwento lamang ng buhay OFW ko.

Ng mag sampa na ako ng kaso sa MINISTRY OF LABOR ng bansang KUWAIT akala ko'y magiging madali ang lahat ngunit ang aking palang amo ay may kabatak na impliyado doon at ang aking mga papel na naipinirisinta'y unti unti na palangnatatabunan ng ganun na lamang ilang buwan pa din ang nag daan.

Ng ako'y dumulog sa EMBAHADA ng Pilipinas dito sa Kuwait. Isang umaga'y nadatnan ko doon ang isang lalakeng taga kuha ng impormasyon kung ano ba ang nangyari tungkol sa akin.
Sinabi ko ang lahat lahat na ang aking pasaporte ay nasa aking Employer at ako'y nagbitaw na sa king pag tatrabaho ng may maayos na kasulatan dahil nakahanap na ako ng mas magandang trabaho at malilipatan na medyo mas mataas ang sahod. Aking nasambit din na ako'y nag file na sa ministry of labor upang makuha ko ang aking Pasaporte  na pag aari  naman talaga ng bansang PILIPINAS na ating ding sariling bayan. Aking ding nabanggit at naitanong sa kanya na diba't yun naman po talaga ang batas ng Kuwait tatlong taong pag tatrabaho sa isang kompanya ay may release/kalayan na kaming makukuha?

At ang nakausap kung tao doon ay nag mungkahi sa akin na bakit hindi kana lang umuwi't mag hanap na muli ng ibang trabaho pabalik dito at  tutal na nga lang  din nag-file kana rin ng kaso sa ministry of labor ay hintayin mo nalamang ang magiging resulta nito at tsaka ka bumalik.! Isang napakagandang mungkahi buhat sa kanya diba? kaya't kayo na lamang ang magbigay kung ano man ang magiging opinyon ninyo o kuro kuro tungkol dito.

Siguro'y sa dami na din ng problemang kanyang napapakinggan sa araw araw kaya't kanya namang nasabi sa akin ang ganun kataga dahil sa paulit ulit na din nya sigurong naririnig ang hinaing ng ibang OFW bukod sa akin. Kaya't sa aking paglabas sa kanyang opisina'y lungkot ang aking naramdaman buhat sa kanyang mga kataga sa akin.

At ako'y nag hanap ng aking abugado na buong akala ko'y siyang mag aasikaso ng lahat ng aking naumpisahan pag rereklamo ngunit talagang inaalat pa ako't ako'y naloko pa ng aking naunang abugado nagbayad lang din pala ako para din naman pala sa wala kaya't ang tanong ko Sulusyon nga bay imposible? sa tuwing ako'y haharap sa korte.

Ngayon ay paso na ang aking Pasaporteng aking pinag lalaban at ganun din ang aking Bisa magdalawang taon na'y di pa din natatapos ang suliraning aking pinag dadaanan ngunit ganyan talaga ang buhay weather, weather nga lamang yan. Masasabing ilan lamang ako sa mga OFW na nagtitiis para lang sa pag unlad kahit naman konti para sa kinabukasan ng mga anak.
Ang ilan nga siguro'y mas hirap pa kesa sa suliraning aking kinakaharap ngayon.

Kaya't eto magtitiis na naman ng pang anim pasko na malayo sa mga anak mag titiis muli,mag pupumilit maging masaya sa araw ng pasko at iisiping para naman sa kanila kung bakit ako naririto sa bansang ito.