Isang pahanon ng tig-mangga nag usap-usap ang magkaka ibigang Enteng,Ompong at Bisoy na mag punta sa kanluran upang doo’y manirador ng mga hinog na mangga.
Mag bubukang liwaway ng silay umalis dahilang medyo malayo ito sa kanilang bahay at tatawid pa sila ng isang ilog upang marating ang isang puno ng mangga na hitik sa hinog na bunga nito.
Silay nag mamadali dahil nag uuna-unahan silang makarating doon dahil sa mga nag babagsakan na hinog na bunga nito. Nang sila’y makarating doo’y wala ni isa silang nakita dahil may nauna ng nagpunta at namulot ng nagbagsakan na hinog na bunga nito.
Isang nag papastol ng kalabaw ang naka una sa kanila kayat itong si Ompong ay nanguna ng manirador na lamang ng hinog na bunga ng mangga.
Bagamat alam nilang si Opmpong ay talagang mahusay manirador dahil likas na asintado ito dahil wala naman itong ibang inatupag at nilalaro bukod sa kanyang laruang tirador kayat ang mga kaibigan nitong si Enteng at Bisoy ay halos di makatama sa bunga dahil sa taas ng punong iyon.
Nag uusap ang dalawa nyang kaibigan. ang galing galing ni Ompong sa tirador asintado talaga sya sabi ni Enteng.
At itong si Bisoy ay pagod na dahil sa kakabira ng kanyang tirador ngunit iilan pa lamang ang kanyang nakukuha dahil sa taas ng puno.
Wala.! wala Talagang di nyo pala ako kayang pantayan sa pagka asintado ko.
"hahaha''
"Laging bukang bibig ni Ompong.
Madalas ay pinag yayabang ni Ompong ang kayang pagka asintado sa laruan tirador halos lahat ng makita nyang maliliit na insekto gaya ng tutubi paro-paro atbp, Itoy kanyang madalas na tinitirador dahil sa kanyang pag-papasikat sa kanyang mga kaibigan.
Tanghaling tapat ng silay mag pahinga sa ilalalim ng puno na may malagong dahon nakakita si Ompong ng isang ibong dumapo sa sanga at itoy kanyang tinirador sa pak-pak. Ng bumagsak sa lupa ang ibon. Itoy kanyang kinuha at iginapos sa paa upang iuwi sa kanilang bahay.
Pakawalan mo na yan di ka na naawa sa mga tinitirador mo sabi ng dalawa nyang kaibigan na si Enteng at Bisoy,
Naiinggit lang kayo eh’ kc ako ang naka kita nito at naka tirador balik na sagot naman ni Ompong sa dalawa nyang kaibigan.
At makalipas pa ang ilang oras nag pasya ng umuwi ang tatlong magka kaibigang Ompong, Enteng at Bisoy sa kanilang mga bahay.
Nag hiwa-hiwalay na sila at nag si uwian na sa kani-kanilang mga bahay ng makarating si Ompong sa kanilang bahay tinatawag nya ang kanyang Inay.
Inay, Inay' madami po akong uwing manggang hinog at isang ibong di ko po alam kung anong ibon po ito,
Nako' Ompong pakawalan mo na nga yang ibon na iyan ikukulong mo lang yan at paparusahan eh’’ sabi naman ng kanyang inay,
At pabulong na nag sasalita si Ompong laban sa kanyang inay. Bakit ko papakawalan ito habang ang kanyang mukay simangot”
Dinala nya ang ibon sa kanilang likod bahay at doo’y inihagis sa loob ng kulungan at kanyang ikinulong,
Ompong nasaan ka ba? malumanay na tawag ng kanyang inay,
Andyan na po’’ tawag ng tawag pabulong na sagot ni Ompong muli sa kanyang inay,
Maligo kana at kumain kana tigilan mo na yang kaka laro mo ng tirador pinarurusahan mo lamang ang di umiimik na mga insekto at ibon eh..
Matapos mag hapunan at nag tatakip silim na nakakaramdam na din si Ompong ng pagka pagod dahil sa layo ng nilakad nilang mag kakaibigan, nakatulog ito kanilang papag habang unti unting nahihimbing na ito sa pag tulog.
May nakita sya na isang Diwata” sa kanyang panaginip,
Inaya sya nito na mag punta sa kanilang palasyo at ng silay makarating doon.
Ompong ito ang aming hardin at palasyo sabi sa kanya ng Diwata. At nakita nyang ang dami daming tutubi, paro-paro at iba ibang klase ng insekto na di pa nakikita ni Ompong na nag sisiliparan at masayang paikot ikot sa paligid,
Sayang di ko nadala ang laruang tirador ko sabi ni Ompong,
Talagang mapag malupit ka sa mga inosenteng mga insekto wika ng Diwata. Di mo man lang ba pinag papahalagan ang buhay nila?
"tanong sa kanya ng Diwata.
,,Ngunit silay isang insekto lamang sabi ni Ompong’’
Dahil dyan ay gagawin kitang isang tutubi ng maranasan mo din ang nararamdaman nila sa tuwing silang pinarurusahan mo Ompong.
Biglang dumilim ang paligid at bumagsak ang ulan mula sa kalangitan at kumidlat ng malakas’’
“naging isang insektong tutubi si Ompong,
Syay umiiyak dahil sa nangyari sa kanya nararamdaman nyang nakaka-pagod lumipad ng lumipad kaya’t napadapo sya sa isang sanga ng puno na walang dahon nakita nya ang mga kaibigan nyang si Enteng at Bisoy,
Ayun may malaking tutubi Bisoy halika’t tiradurin natin at pag paraktisan natin yan ng sa sususnod na manirador tayo nila Ompong ay ipapakita natin na nagiging asintado nadin tayo sabi ng dalawa,
Habang patuloy sa pag lalaro ng tirador ang mga kaibigan nya at sya’y pinag pa-praktisan na tiradorin.
Sya’y nadaplisan sa buntot at paikot ikot syang bumagsak sa damuhan.
at nararamdaman ni Ompong ang sakit na kanyang ginawa sa mga insektong kanyang pinarusahan,pag laruan at pinatay.
Ayun natamaan ko ang tutubi masayang sabi ni Enteng hanapin natin Bisoy at atin din itong igapos sa sanga. Ng makita nila ang ang tutubing kanilang nadaplisan sa buntot itinali nila ito at pinag papraktisan muli..wag maawa kayo sa akin ako ito si Ompong ang kaibigan nyo’
‘Ngunit di naman sya naririnig ng mga ito dahil sya’y isang anyong tutubi. Ng isabit sya sa sanga upang paglaruan at pag praktisan muli napasigaw sya maawa kayo sa akin
“huhuhu’’
Umiiyak na sigaw ni Ompong sa kanyang pag tulog.
At ng marinig sya ng kanyang Inay ginising sya nito Ompong kanina ka pa sigaw ng sigaw at iyak ng iyak dyan habang natutulog. Ano bang napapangarapan mo at bat dyan ka natulog?
Umakayat kana nga doon at doon kana matulog sa taas sabi ng kanyang Inay.
"Itong batang ito napaka pasaway talaga.
hay’’ Salamat naman at panaginip lang ang lahat sabi nya sa kanyang isip at sarili habang paakyat na sya sa itaas ng bahay nila.
Kinabukasan ginamot nya’t pinakawalan na nya ang ibon na kanyag ikinulong.
At ng dumating sa bahay nila si Enteng at Bisoy sinabi nyang di na nya uulitin ang mga pagpapahirap at pag mamalupit nito sa mga tutubi’ paro-paro atbp,
Lalaruin na lamang nating ang tirador ng walang napaparusahang mga ibon at mga insektong nananahimik wika ni Ompong sa kanyang mga kaibigan.
Wakas....
Ang kwentong pambatang ito ay ang aking lahok sa Saranggola Blog Awards 2011 |