Ang mag-desisyon kung kelan pwede na ang dapat..Ako’y may simpleng
Pangarap alang-alang sa magiging kinabukasan ng aking mga anak sapagkat
Sa tuwing nakikita ko ang aking mga anak na nahihirapan sa kanilang pag-aaral,
Ay dobleng sakit yon para sa akin, ang isiping mas mahalaga ang maibigay ko
Sa kanila ang magandang edukasyon ang nagsisilbing dahilan at nag-bibigay
Sakin ng determinasyon para makipag-sapalaran ako sa bansang ito.
Ganun din sa tuwing kakain kami na tuyo at noodles palagi ang ulam
Sa hapag-kainan, ay anong sakit sa kalooban bilang padre de pamilya.
Ganito nalang ba kami?? Hanggang kelan pa kami mag-titis
Sa ganitong estado ng pamumuhay??
Kaya't nakapag-desisyonan ko.. Mas gugustuhin ko nalang ang malayo
Sa piling nila at subukan ang aking kapalarang mag-trabaho sa ibayong-dagat.
Hindi ko man sila makakasama sa mahabang panahon 'yon alam ko
At mapapanatag ako dahil ang lahat ng sakripisyong ito’y kapalit ng
Aking kikitaing salapi at isang magin-hawang pamumuhay ng aking mga anak.
Gayunpaman, susubukan kung makipag-sapalaran sa abot ng aking makakaya.
Handa akong tiisin ang hamon ng buhay, lahat ng hirap para sa magandang kinabukasan nila.
Kakayanin kung gawin ang lahat para sa kanila, maibigay ko lamang
Ang pangangailangang financial sa mga ito..
Ganun din sana maipa-gawa
din ang aming munting bahay para sa pag-laki ng mga anak ko’y
May maayos silang bahay na matitirahan at hindi kailanman mababasa ng ulan.
Sapagkat simula pagka-bata ko ang bahay namin ay gawa sa pawid at kugon,
Tulugan na gawa sa papag, at sa tuwing umuula’y na-aampiyasan kami ng malakas na ulan na animo’y isang basang sisiw.
Napapaiyak nalang ako dahil sa sitwasyong meron kami noon,
Pero sa kabila ng lahat ng pinag-daanang naming pag-subok
at sakripisyo,.
Nakaka-lungkot mang isipin minsan pero ganun talaga
ang aspeto ng buhay, taliwas sa kung ano yung gusto naming mang-yari.
Pero ang mahalaga nag-iwan ito ng isang magandang aral at pala-isipan sa aking buhay.