Wednesday, January 4, 2012

Bagong taon at bagong pag-asa.✍

Masayang bagong taon at bagong pag-asa ang dadalahin sa taong ito na masasabi sa buhay sa kadahilanang iiwanan na ang masasama at di kaayaayang naganap nung mga nakaraang taon at ang mga masasaya na lamang ang dadalahin sa taon na iiwan may bagong pag-asa at bagong buhay na gugulin tanging sa mga mahal.

Matapos ang maraming pighati maraming luhang pumatak sa mga mata at pisngi na nagpatibay sa malambot na kalooban pag-mamahal na patitibayin pa ng maraming pang taon ang syang bagong pag-asa at di kailan man magsasawang ito'y talikuran ng ganun ganun na lamang bagkos mahalin ng tapat at totoo ang dapat pagtuunan ng pansin pag-mamahal na masasabing di mapaparisan nino man.

Ihahandog ang buong  buhay at ang pinaka mahalaga ang makasama ang nagpapsaya at nagbibigay inpirasyon sa aming mga buhay. Kaliwanagan sa sarili ang magiging susi upang mabuksang ang pintuan ng naksadlakan kadiliman matatawag na nag-papatak ng maraming beses ng luha sa mata.

Kaya't muling haharapin ang bagong taon at may bagong pag-asa  ng maligaya at may ngiti muli sa mga labi at iiwanan ang mga pighati sa mga taon na nakalipas.
Panibagong pag ag-asa ang nais sa mga susunod pang mga taon panibagong buhay na makasama ang mga mahal na tao sa buhay na syang magdadala ng kaligayahan at galak na matagal ng ninanais. Isang magandang kinabukasan at panibagong buhay na ninanais gugulin ang buong araw at oras o kaya'y panahon nais itong ihandog upang ang pighati't mga pag-luha'y mapalitan na ng bagong pag-asa't lagi ng may ngiti at aasang ang mga kamay ay di kailan man bibitawan kahit marami pang pagsubok ito'y tatahakin ng walang pag aalinlangan patungo sa bagong taon at bagong pag-asa kasama ang minamahal.
˜