Masayang
bagong taon at bagong pag-asa ang dadalahin sa taong ito na masasabi sa
buhay sa kadahilanang iiwanan na ang masasama at di kaayaayang naganap
nung mga nakaraang taon at ang mga masasaya na lamang ang dadalahin sa
taon na iiwan may bagong pag-asa at bagong buhay na gugulin tanging sa
mga mahal.
Matapos ang maraming pighati maraming luhang pumatak sa
mga mata at pisngi na nagpatibay sa malambot na kalooban pag-mamahal na
patitibayin pa ng maraming pang taon ang syang bagong pag-asa at di
kailan man magsasawang ito'y talikuran ng ganun ganun na lamang bagkos
mahalin ng tapat at totoo ang dapat pagtuunan ng pansin pag-mamahal na
masasabing di mapaparisan nino man.
Ihahandog ang buong buhay at
ang pinaka mahalaga ang makasama ang nagpapsaya at nagbibigay inpirasyon
sa aming mga buhay. Kaliwanagan sa sarili ang magiging susi upang
mabuksang ang pintuan ng naksadlakan kadiliman matatawag na nag-papatak
ng maraming beses ng luha sa mata.
Kaya't muling haharapin ang bagong taon at may bagong pag-asa ng maligaya at may ngiti muli sa mga labi at iiwanan ang mga pighati sa mga taon na nakalipas.
Panibagong
pag ag-asa ang nais sa mga susunod pang mga taon panibagong buhay na
makasama ang mga mahal na tao sa buhay na syang magdadala ng kaligayahan
at galak na matagal ng ninanais. Isang magandang kinabukasan at
panibagong buhay na ninanais gugulin ang buong araw at oras o kaya'y
panahon nais itong ihandog upang ang pighati't mga pag-luha'y mapalitan
na ng bagong pag-asa't lagi ng may ngiti at aasang ang mga kamay ay di
kailan man bibitawan kahit marami pang pagsubok ito'y tatahakin ng
walang pag aalinlangan patungo sa bagong taon at bagong pag-asa kasama
ang minamahal.
˜