![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhJDqnKEj_qVh-a3HCREhEM5zo1DvqQcdtd9ma2oe5naTCYfKmbJD1uz7Ajx07G9PKG4Uso8dihhyphenhyphenuZVHXat5tqgnRSsYOsBFgADczxiv-73ttApZreVaw3cCJBIv9VqJph9_RZ_5Uuwz4/s1600/smoke-man-in-mirror-610981.jpg)
Dahil alam mo na kahit ako'y lugmok sa isang sulok ang pagkatao ko'y iyong nilapastangan at ng walang pakungdangan hangad na ako'y iyong paglaruan buhat sa iyong kasakiman nalalaman maraming taon man sa akin ay ang kasarinlan pinagkait buhat sa iyong madungis na pakikipag laban sa iyong lupa't kaharian.
Patuloy akong ngingiti sa salamin ng may kagalakan dahil alam ko kahit nasa sarili mong bayan ikaw ay nanghihiram din lamang ng iyong mapagpanggap na iyong kaharian. At sa aking pag bangon mula sa kasadlakan na iyong hatid at patuloy na paglapastangan sa pinahiram sa iyong kapangyarihan ikaw lamang ay patuloy kong di aatrasan sa aking patas na pakikipag sagupaan at may malalim na paninindigan para din naman sa aking mga tunay na kaibingan ay di na muli mong pamag laruan.
Alam kong malapit ko ng mabawi't maabot ang kagalakan mong ako'y iyong pinahirapan ng maraming taon sa panahon naman yan dyan ko natutunan kung paano lumaban ng may paninindigan at upang aking pabagsakin ang pamamalakad mo sa yong hiram ka kapangyarihan at kaharian. Kahit ang iyong kabaro ika'y isusuko dahil sa iyong kabuktutan sa pakikipag kapwa tao.
Marami ang nakaka-alam na ikaw ay di makatao mapag samantala sa kahinaan ng marami at gumamit ka pa ng ilan na iyong taga sunod at ipaparating ko buhat sa aking mga salita na syang kukulili at mananatili sa iyong tenga ang aking tagumpay,kasiyahan at kagalakan.