Tuesday, November 29, 2011

kayamanan.✍

Lingid sa karamihan ang kayamanan ay sa salapi lamang nakikita sa pustura ng pananamit. Ngunit sa akin ang totoo kung kayamanan ay ang aking pag-mamahal na aking mabibigay lamang sa taong mag mamahal sa akin ng totoo ng walang pag-aalinlangan. Wala man akong yamang salapi magagarang kagamitan at pananamit mga perlas at kumikinang na palamuti.

Ang tunay na kayamanang aking tinataglay na sa iyo lamang gusto ko itong  ialay kasama ang mga mahal mong tao sa buhay. Sa dami na ng kasawian sa pag-ibig na sana'y ikaw na ang makasama sa panghabang buhay wala ng iba pang ninanais. Pangarap mong gustong makamit na lagi sa aki'y iyong bukang bibig na akin sisikapin sayo mai-handog.

Wala akong magagawa sa iyong pag-aalinlangan na aking naramdaman sa mga biro-biro mong tumatagos sa aking damdamin ako'y nasusugatan. Marami na sa akin ang pighati ang napagdaanan marami ng problema ang nalampasan dadating na ang kalangitan ay magliliwanag sa maitim na ulap aking natahak.
Pagmamahal ko ng totoo sa iyo ang aking tunay na kayaman hindi man ito karangyaan ngunit dito sa aking puso't isipan nais ko itong panindigan ng taos puso para sayo hanggat ako'y iyo pang kailangan.

Tuesday, November 15, 2011

Ulap sa buwan.✍

Tumingala ako sa taas ng kalangitan ng makita ko ang liwanag ng buwan na unti unting natatakpan ng mga ulap na nagbabadya ng kadiliman na akin ng napag mamasdan mula sa kalangitan . Maraming taon na din ang lumipas ng aking huling masaksihan ang ganitong pag kakataon na nakahiga sa damuhan habang nakatingin sa kalangitan at pinag mamasadan ang buwan sa liwanag na aking nasasaksihan na aking din kasama ang mga kaibigan.

Maraming pangarap na napag-uusapan habang nag iinuman sa gitna ng malawak na damuhan ang ilan ay nakahiga sa siksik na damuhan na mistulang alpombra na lalapat sa aming mga likuran. Sa liwanag ng sikat ng buwan mula sa kalangitan kasama ng mga bituin nag niningning habang pinag mamasdan ito'y halo halong saya at lungkot ang bumabahid sa isipan sa bawat nilalang na nakatingala sa kalupaan. Hindi namamalayan ang oras dala ng masayang kwentuhan at kulitan mula sa aming kabataan na hindi namin malilimutan kahit kami'y nagsilisan na sa aming bayan sinilangan.
 
Halakhak dahil sa kalasingan mula sa serbesa kagalakan sa aming pag-kakaibigan na parang wala na ngang kinabukasan inaabot pa ng paglubog na ng buwan mga tala na lamang ang syang matatanaw sa kalangitan at ang malamig na hangin ang dadampi sa aming katawan na hihimasmas sa paglipas ng mga oras. Kantahan walang kaparis kahit na sentonado pa ang aming mga tinig na sa iba'y di naman kaaya-aya't kanais-nais marinig ngunit sa amin naman panig kami'y dirin padaraig sa aming daigdig.

Usok at munting apoy na parang alitaptap sa gitna na ng kadiliman ang syang ma-aaninag bagama't ang buwan ay nagtago na sa kanyang malayang kalawakan ngunit talagang dadating ang panahon at oras na ang kadiliman kahit sa mga kaibigan ay dadating. Mag lalaho ang ilan dadating din ang oras at panahon na muli naman syang mag papakita sa kalangitan at mag bibigay muli ng liwanag sa gabi ng kasarinlan.
 
Kagalakan sa aming pagkakaibigan murang edad ng kabataan na hindi na malimutan sa tuwing nakatingala sa ilalim ng kabilugan ng buwan kay sarap alalahanin na minsan sa aming pag kakaibigan nagkasamasama kaming nagtatawanan. Di maiaalis sa pag kakaibigan na ang panahon kailangan na din sila'y pansamantalang iwanan at dalahin ang alala ng pag-kakaibigan para sa kinabukasan naman ang aming pag-isipan alaala sa maliwanag na sikat ng buwan at bituin na matatakpan nag ulap sa mataas na kalangitan maraming alaala sa puso ng bawat isa kung inyong mapag mamasdan sa itaas ang liwanag sa malalim na gabi ang mag babalik parati sa ating pag kakaibigan. Hayaan mong dalahin ka sa iyong nakaraan nakaupo,nakahiga ka man sa damuhan at kung saan man.
 
Tiyak kong maaalala mo lahat ang ating nakaraan nagtawanan,nag kwentuhan,nag-inuman,napaiyak dahil sa mga problemang nakaharap sa mga niligawan at pamilya ng iyong kasintahan, problema sa sariling pamilya, mga pinagplanuhan sa sariling buhay at kalokohan ng bawat isa yan ang ating mga nakalipas kung ano na tayo ngayon sa ating kinahinatnan buhat sa ating pag-kakaibigan na hindi na mabubura sa ating mga alala na kaylan man dito sa ating mga isipan dahil ikaw ako tayo ay nagkaisa naging bahagi ako,naging bahagi ka rin at naging bahagi din sila ng ating buhay na nagdala ng maraming pag-asa.

Sunday, November 13, 2011

just like in the middle of winter

The life of a drunkard on the streets broke my heart to be a very beautiful and very beating heart scene, of which you've doesn't eaten any but all are in vain and always taste unlikely that doesn't makes sense of more than which after leaving the formerly beautiful life together he's on the hell out of it.

I know this is too late now, but I lit captured your eyes that are so pure and innocent, which in my mind thought that loneliness/emptiness of living this life without you. Trees bloom in the middle of winter, just a joyful thought in the middle of the winter bloom also showed the true face of winter freezes, spring in the middle of winter fruitless..

I am lonely without you in my life. Doesn't exceed in the reservation of my hands that are so dull which could never be solved without your eyes that looks so pure as your mind think even if it wouldn't be able to questioned myself back to you ..if Isn't like any of the other side called platonic love.

I reserved separately, and the sorrows that is circulated in the language of where I'm gonna fake those promises where perspective things play within our heart. Once complete, this called platonic love thinks it's love never mislead me even though I expected it for lots of time.

I Can't change it any longer, nor grieved again for the things that i couldn't be exchanged for things you can't changed but even though you wanted to be unhappy or cry.

You're so embarrassed to kept the door locked behind you..Love because you never called it Love to find or wanted you, coz' it will just come in due time ..just like in the middle of winter, spring, or even if you'll think like it will never happen .. But you must have to accept the truth just like a spr

Saturday, November 12, 2011

freedom of expression



The right to freedom of expression upholds,
the rights of all to express their
views and opinions freely. 
It is essentially a right which
should be promoted

To the maximum extent possible
given its critical role in
democracy and public
participation in social hubs.

There maybe certain extreme
forms of expression
which need to be curtailed for the
protection of other human rights.
limiting freedom of expression in
such situations.

Is always a fine balancing act. one
particular form of expression 
which is banned is “hate speech”





Tuesday, November 8, 2011

Days of remembrance.✍


Like a flower,
Wilting away through winter.
Where has the time gone,
To what extent should it be unearthed?
Pondering questions, seeking salvation.

People I had known since I were but a seed,
Tagging along, dreaming of bigger and better things.
Promising dreams, without ever doubting their creed,
The thoughts are troublesome, poison bearing stings.

Like a flower wilting away in the winter,
The petals bloomed in the days of youth.
As the seasons go by, winds spread a splinter,
Now those days have fallen apart through individual.
These are the days of remembrance,
Times held dear, forever concealed.

Is it faulty to point the blame,
Subjugated to our own ends.
Stuck inbetween the crosshairs of the past,
Driven by ideals guided towards a future.
Those days are gone but their place inside of me,
Are forever locked in place.
`
`

Monday, November 7, 2011

Salamin.✍

Patuloy na umaasa sa nakasadlakan na problema sa buhay bagong araw at bagong pag-asa na muli pang mabigyan ng maraming araw na mag dudulot ng isang panibago at kasiya siyang pamumuhay. Buhay na mag-puno ng kaligayahan bagama't may mga suliraning sa aking balikat ay pasan alam kong ito'y akin din malalapasan na hindi na muli pang iiyakan kahit manatili kang nandyan sa aking harapan.

Dahil alam mo na kahit ako'y lugmok sa isang sulok ang pagkatao ko'y iyong nilapastangan at ng walang pakungdangan hangad na ako'y iyong paglaruan buhat sa iyong kasakiman nalalaman maraming taon man sa akin ay ang  kasarinlan pinagkait buhat sa iyong madungis na pakikipag laban sa iyong lupa't kaharian.

Patuloy akong ngingiti sa salamin ng may kagalakan dahil alam ko kahit nasa sarili mong bayan ikaw ay nanghihiram din lamang ng iyong mapagpanggap na iyong kaharian. At sa aking pag bangon mula sa kasadlakan na iyong hatid at patuloy na paglapastangan sa pinahiram sa iyong kapangyarihan ikaw lamang ay patuloy kong di aatrasan sa aking patas na pakikipag sagupaan at may malalim na paninindigan para din naman sa aking mga tunay na kaibingan ay di na muli mong pamag laruan.

Alam kong malapit ko ng mabawi't maabot ang kagalakan mong ako'y iyong pinahirapan ng maraming taon sa panahon naman yan dyan ko natutunan kung paano lumaban ng may paninindigan at upang aking pabagsakin ang pamamalakad mo sa yong hiram ka kapangyarihan at kaharian. Kahit ang iyong kabaro ika'y isusuko dahil sa iyong kabuktutan sa pakikipag kapwa tao.

Marami ang nakaka-alam na ikaw ay di makatao mapag samantala sa kahinaan ng marami at gumamit ka pa ng ilan na iyong taga sunod at ipaparating ko buhat sa aking mga salita na syang kukulili at mananatili sa iyong tenga ang aking tagumpay,kasiyahan at kagalakan.

Sunday, November 6, 2011

"hindi ko alam"





Sa aking pag iisa marami ang naaalala
bagay na kasiya siya at may mga bagay na di makitakita
ilang taon na din ang hinilihiling kay bathala.


Bakit nga ba gusto ko nag iisa?
yan ang madalas na tanong sa aking sarili"
di ko alam ang maraming tanong sa maraming bagay
naka rami na nga ng sigarilyo at marami na din pumapasok sa isip,


Bakit na naman nananahimik?
ngunit kanina lamang ay masaya't tumatawa
pero ngayon di na alam ang naging kapalit nito.


werdo ba ako.?
maraming katanungan ang di nasasagot
maraming bagay ang di maipaliwanag
na kung kailan naman ito sa aking isip magliliwanag.


Sa pag iisip nagpupumilit mag saliksik
katanungan muli ang syang bumabalik 
hindi ko alam na sa aking panaginip kanina'y bakit ako'y
pilit nyang ibinalik sa mga alaala ng aking pagka paslit.



Wednesday, November 2, 2011

madilim na silid.✍



,
Kalaliman ng gabi ng mahiga sa malambot
Na higaan habang kayakap ang isang unan sa aking tagiliran
Nag mumuni muni at nag ninilay nilay
Sapagakat ika'y ninanais na sa aking panaginip makasabay ng aking
Diwa'y ikaw ang syang sinasalaysay habang hinihintay
Ang katawan ay mawalan ng pagkamalay
,
Sa madilim na silid ikaw parin ang tinataglay
Ng aking diwang di pa rin mawalan ng malay habang ang
Aking mga bisig sa unan ay nakasalampay
Naghihintay na sana'y mawalaan na ako maya-maya ng malay
At sa aking panangip ikaw pa din ang tanging nasa isip
,
Nananatiling ikaw pa rin ang aking marikit kahit nakapikit
Kayat sa aking paglapit tsak ako'y muli mong maaakit
Sa kilikili mong di amoy anghit. Ewwwwwzzzzz..
Ang bukang liwayway sya nama'y papalapit sa madilim
Na silid unti-unting kina-kainin ng liwanag ang kadilima'y namayagpag
,
Sa pag babalik ng diwa sa pangarap na kay ganda
At sa pag mulat ng aking mga mata'y may magiging dahilan para
Ang isang araw ay muling umasa  habang nakangiti at natatawa
Sa aking nagunita tayo ay nag saya at naging malaya.

Telepono.✍


`
Marami na ding taon ang lumipas ng sila'y nagkakilala
Maraming panahon ang naibuhos sa kamusmusan
Ay pinatulan bunga ng pag mamahalan ng nahinog ay kasawian
Ang bungang akala ay katamisan ng pag-iibigan.
`
Ngunit sa dami na din ng napag usapan at napag planuhan
At sa isang iglap isang mensahe sa telepono ang di  katanggap-tanggap
Isa pala itong nilalang na mapagpanggap sa mga matatamis na salita
Ay pinalalasap sa isang babaeng halos mawalan ng ulirat sa kakaiyak.
`
Sa kasawiang kanyang natamo at nakamtam mula sa lalaking
Walang isang salita't paninindigan.
Ngunit sa panahon ng kasawian nandyan naman ang mga tunay na
Mga kaibigan na sya namang handang damayan mula sa pighating
Kanyang pinagdadaanan.
`
Kaming mga kaibigan mo'y handa kang damayan buhat sa iyong
Pinagdadaanan. Kasawian man ang pagdaanan andito lang kaming mga
Kaibigan mong handa kang suportahan basta kami'y iyong kailangan
Kami'y papariyan sa iyong harapan handang makipag inuman
kahit saan.
`
At kung tinaman dahil sa kalasingan sa pag ibig
Wag mong ibato ang teleponong hinahawakan
Dahil sa bagay na yan dyan mo nalaman ang kanyang
Mga kasalan at pag kukulang.
Kaya't aking kaibigan wag mo pasakitan ang iyong damdamin
Buhat sa iyong pinagdadaanan kapighatian..
`

Tuesday, November 1, 2011

Emosyon.✍


`
Sa kalungkutang na iyong naramdaman
Sa bawat patak ng luha sa iyong mga mata
Sa bawat emosyon na iyong nararamdaman
At sa bawat araw na ika'y malamlam o malumbay.
`
Dahil sa handog ng walang humpay na kasiyahan
Kumakailan lang kahapon di mo napaghandaan ang para sa
Kinabukasan na kung paano mo malalabasan ang bawat pighati't
Emosyong kinahantungan buhat sa inyong pag-mamahalan
Na masasabing naging isang matalim na punyal sa iyong kalooban.
`
Subalit ang kahapon ng kaingayan at kagalakan ay
Biglang mapapalitan ng katahimikan sa iyong sarili.
Nag sisilbing ingay lamang sa silid ay ang iyong pag tangis
At gumagawa ka ng ingay sa katahimikan ng iyong silid.
`
Luha buhat sa kasiyahan ng kahapon ilan pa bang maghapon
Ang iyong pag-tatangisan mula sa alaala ng ng nakaraan?
Isipin ang lahat ay may wakas ngunit na-tsyempo lang
Sa iyo ang di magarang pag-wawakas ng nakaraan at nakalipas.
`
Taon,buwan o dekada pa ang pinagmulaan ng pag-mamahalan
Laging isipin na ang lahat ay may hangganan sa bawat Emosyon
Kasiyahan ay aayon sa kahapon at pag kakataon na sa tuwing
Aalalahanin mo ang nakalipas ng kahapon.
`