Monday, October 31, 2011

Kasiyahan o kalungkutan.✍


`
Handog na kasiyahang naumpisahan kanila lamang
Subalit ngayon ay hindi na alam, Hindi ko na alam
Kung bakit at bakit nga ba nagka-ganito ang kananina lamang ay
Diba't anong saya may ngiti pang natanaw sa aking muka.
`
Ngunit bakit tila ba ngayon ay simangot na
Kanina lamang ay may  maamong muka at kaya-aya
Di mawari kung isa itong kasiyahan o kalungkutan
Na aking nadarama ano nga ba talaga?
`
Teka, teka nga ako nga yata ay hilo na
Dahil sa antok at pag papaikot ikot sa upuan
Sa isang sulok na para bang isang  senglot
At nag simulang ng maging malungkot.
`
Nakaka miss kasiyahan aking nakamit ngunit
Naisin mang umitin ang mga sandali
Kalungkutan lang sa huli ang naging sanhi at isinukli
Kaya't kasiyahan o kalungkutan aking nasasambit.
`

Sunday, October 30, 2011

Mapaglarong isipan.✍


`
Dahil sa dami ng iniisip, naglalaro at pumapasok sa isipan
Di mo na din alam kung may nasasaktan o may
Nahihirapan na din pala bukod sa kakaibang pag-iisip
Marami pa palang dapat pagtuunan ng pansin.
`
Di lang nakikita dahil sa pagkabulag ng mga mata at
Ng isipan,bigat na nararamdan na hindi naman dapat
At dahil sa mapaglarong isipan at panga-ngamba
Hindi na makapag-isip ng nasa tama.
`
Bakit di hayaan na makisalamuha at tingnan ang sarili
Ng makita kung ano nga talaga ang aktibidad sa buhay
Dahil sa kuro kurong kakaiba hindi na makitang
May iba pang mga bagay-bagay.
`
Wala naman masama kung malayang pag isipan
Ang lahat lalo na't ang lahat ay may hangganan at wakas
Buksan lang ang isipan at malayang tanggapin ang mga suliranin
Dadating ang isang araw at makikita na kaysarap pala ng buhay.
`

Friday, October 28, 2011

Pinaglumaang NOKIA

Bakit ba panay pinag lumaang NOKIA ang napapabigay sa akin?

Yan ang madalas na tanong ko sa aking sarili nung hindi pa aq ang tatarabaho
Dahil sa tuwing nag papadala si mama ng cellphone sa dalawa kung kapatid
Laging ang pinaglumaan nila ang napapabigay sa akin
Unang pinaglumaan NOKIA 5310

Na madalas ay ipapagawa ko pa at bibilihan ng bagong housing
Ng maging bago naman sa panlabas at ilang buwan lamang ay
Hanap na ng cellphone kung pinaglumaan ay ang pagawaan
Ano ba naman yan gastos na naman tsk..

Nasa abroad kasi si mama kaya't ang dalawa kung kapatid
Ay panay hingi ng bagong model ng cellphone. kasi halos naman lahat ng
Latest ng NOKIA ay "In" na "In" sa mata ng mga cellphone user
Kaya't alam ko na pag padating ng bagahe ay sa akin na naman ang
Pinaglumaan nilang NOKIA 8210

Palibasa wala din naman ako pang load kaya okay lang kahit
Pinaglumaan pa yan wala din naman ako inaasahan tatawag sa akin
Pero ang laging tanong ko noon bakit sila lang ang madalas ang may bago?
Akoy sabik din naman sa bagong model ng NOKIA.

Kaya't ng akoy mag abroad eto na NOKIA-N82 saan ka pa hit na hit yan
Sliding with camera pa ang cellphone ko. Na una kung pinag sikapan mabili
Sa unang sweldo ko at regalo ko na din sa aking sarili dahil magagamit ko ng
Madalas lalo na't dala ko ang Simcard kung GLOBE na naka roaming.

Mas mura kasi ang text nila sa akin dahil naka roaming ako
Dyan sa linya kung GLOBE hinihintay ang mga text messages
Na galing sa mga anak ko sa pinas.
Habang abala naman ako sa pag tetext sa bago kung cellphone noon.

At syempre di mawawala ang kaka posing posing kung saan saan
Upang mapadala ko naman ang mga larawan ko sa aking mga anak
Pampawala man lang ng homesick habang nakikinig ng music
Gamit ang headset.

Hanggang nasubay-bayan ko ang model ng N-series at E-series ng NOKIA
friendly user gadgets nga daw kasi kaya komportableng gamitin talaga ang cellphone
Na NOKIA
Kaya sa ngayon kontento na ako sa NOKIA N9 touch screen model.

Bago na at hindi na pinaglumaan nila Nene.









Tuesday, October 25, 2011

aspeto ng buhay


Google picture




Minsan sa buhay hayaan nalang natin na ang panahon at pagkakataon
Ang mag-desisyon kung kelan pwede na ang dapat..Ako’y may simpleng
Pangarap alang-alang sa magiging kinabukasan ng aking mga anak sapagkat
Sa tuwing nakikita ko ang aking mga anak na nahihirapan sa kanilang pag-aaral,

Ay dobleng sakit yon para sa akin, ang isiping mas mahalaga ang maibigay ko
Sa kanila ang magandang edukasyon ang nagsisilbing dahilan at nag-bibigay
Sakin ng determinasyon para makipag-sapalaran ako sa bansang ito. 

Ganun din sa tuwing kakain kami na tuyo at noodles palagi ang ulam
Sa hapag-kainan, ay anong sakit sa kalooban bilang padre de pamilya.
Ganito nalang ba kami?? Hanggang kelan pa kami mag-titis
Sa ganitong estado ng pamumuhay??

Kaya't nakapag-desisyonan ko.. Mas gugustuhin ko nalang ang malayo
Sa piling nila at subukan ang aking kapalarang mag-trabaho sa ibayong-dagat.
Hindi ko man sila makakasama sa mahabang panahon 'yon alam ko
At mapapanatag ako dahil ang lahat ng sakripisyong ito’y  kapalit ng  
Aking kikitaing salapi at isang magin-hawang pamumuhay ng aking mga anak.

Gayunpaman, susubukan kung makipag-sapalaran sa abot ng aking makakaya. 
Handa akong tiisin ang hamon ng buhay, lahat ng hirap para sa magandang kinabukasan nila.
Kakayanin kung gawin ang lahat para sa kanila, maibigay ko lamang
Ang pangangailangang financial sa mga ito..

Ganun din sana maipa-gawa
din ang aming munting bahay para sa pag-laki ng mga anak ko’y 
May maayos silang bahay na matitirahan at hindi kailanman mababasa ng ulan.
 Sapagkat simula pagka-bata  ko ang bahay namin  ay gawa sa  pawid at kugon,
Tulugan na gawa sa papag, at sa tuwing umuula’y na-aampiyasan kami ng malakas na ulan na animo’y isang basang sisiw.

Napapaiyak nalang  ako dahil sa sitwasyong  meron kami noon,
Pero sa kabila ng lahat  ng pinag-daanang naming pag-subok
at sakripisyo,.
Nakaka-lungkot mang isipin minsan pero ganun talaga
ang aspeto ng buhay, taliwas  sa kung ano yung gusto naming mang-yari.

Pero ang mahalaga nag-iwan ito ng isang magandang aral at pala-isipan sa aking buhay.








Sunday, October 23, 2011

poster sa kwarto.✍


˜
Nag-iisa na naman sa kwarto di malaman kung
Saan mag puroon at parito kasama ang
Poster kung paburito habang
Naka di-kwartro
˜
Hindi alintana ang maghapon at inabot
Na naman ng alas kuwatro hapon' ay nagutom na
Ano kayang mailuluto? Nag hanap ng mga rekado
Hanggang nauwi sa nilutong adobo
˜
Hay nabusog na handa ng makipag bunong braso
hehehe,
Sa isang sulok tinititigan lamang ang iyong litrato
Ayaw kung mag amoy kabayo kaya't
Ako'y papunta na sa banyo at maliligo
˜
Yan ang maghapon at maikli naming
Kuwento ng poster kung nakadikit sa pader
Ng aking maliit na kwarto.
˜

Sana.✍


I
Dumungaw sa bintana at napatunghay
Nadadama ang malamig na dampi ng hangin
At sa pag hithit ng yosi  ika'y pumasok sa isipan
II
Napangiti sabay buga ng usok sa sulok ng isipan
Namumukod tangi na sana'y makasama
At makayakap ng hindi mahigpit ng hindi
Maluwag katamtamang matatawag.
III
Sa pag-pikit ng mga mata'y 'sa isipan
Ikaw pa rin ang siyang tinataglay at nininilay-nilay
At sana aking nahihimlay na diwa ay hindi sana
Ikaw ay mag-pasaway.
˜ ˜ ˜

Monday, October 17, 2011

weather, weather nga lang yan kabayan"

Dadaan na naman ang isang pasko sa ilang buhay ng mga OFW na may kalungkutan na nararamdaman marahil ay isa na ako doon.
Ang ilan ay nag iisa at nagpupumilit maging masaya para lamang sa pamilya yan ang kadalasang maririrnig mo sa ilang OFW masakit mahirap pero kailangan lang tanggapin dahil wala naman magawa kundi tanggapin at isipin nalang masaya naman sila sa pinas. 

Maraming sakripisyo sa buhay ng OFW yan naman talaga ang totoo diba? Ang ilang ay pinapalad masasabing may swerte at ang ilan naman ay  naghihinagpis o masasabing inalat sa pag aabroad weather,weather nga lang daw yan pag dipa para sayo walang pinaka mainam gawin kundi mag hintay sa tamang panahon..


Akoy isa din naman sa OFW na sa bansang Kuwait nag umpisa akong mag trabaho sa isang maliit na coffee shop umasang suwerte ang katapat at duo'y magiging maganda ang kapalaran ngunit isa palang kabaliktaran ang lahat dahil sa mga among sakim at walang pakungdangan gipitin ang kanyang manggagawang PILIPINO. 

Ang ilan sa aking naabutang mang-gagawa sa coffe shop na ito ay mga Pilipino din kahit silay hirap na sa pag tatrabaho dito'y wala din silang magawa dahil ibat iba nga ang katuwiran at pag iisip o opinyon ng mga tao na wala kang marinig kundi "OKAY" lang yan kesa naman umuwi ng pilipinas.

Marahil ay sa takot,agam agam na din na silay magawaan  pa ng problema kaya't kahit hirap ang katapat at mababang sahod di sapat sila'y nagtitiis na mag trabaho dito. Ngunit di naman talaga sila masisisi dahil sa hirap ng buhay sa pilipinas kailangan lang tiisin ang kapalarang magtrabaho sa lugar na ito kahit gaano man ito kahirap sila'y handang magtitiis at mag titiyaga sa kaunting sinasahod.

Sa aking palagay ako ang unang tumayong lumaban sa nasabing coffee shop na ito na nagtangka ding humingi ng release/kalayaan kahit lingid sa aking kalaaman na hindi talaga nagbibigay ang kompanyang ito ng kalayaan para sa kanyang magtatrabaho. Dahil sa sobrang baba ng pasahod nito kaya't  naisipan kung mag hanap ng ibang trabaho ng matapos ko ang kontrata ko sa loob ng tatlong taon doo'y nagbitiw na din ako ng may maayos na kasulatan na naka saad doon ang relaese/kalayaan kung mag trabaho sa iba dahil yun naman talaga ang patakaran ng bansang Kuwait at yan din ay alam ng karamihan.

Walang gustong tumulong at ang ila'y nangingilag pa  sa tuwing sila'y matatawagan at may nagsabi pang pagnanalo kana lamang ay tsaka kami mag bibitiw hahaha..nakakatawa diba?? uy' sa mga tinamaan pasantabi lamang po at ako'y nag kukuwento lamang ng buhay OFW ko.

Ng mag sampa na ako ng kaso sa MINISTRY OF LABOR ng bansang KUWAIT akala ko'y magiging madali ang lahat ngunit ang aking palang amo ay may kabatak na impliyado doon at ang aking mga papel na naipinirisinta'y unti unti na palangnatatabunan ng ganun na lamang ilang buwan pa din ang nag daan.

Ng ako'y dumulog sa EMBAHADA ng Pilipinas dito sa Kuwait. Isang umaga'y nadatnan ko doon ang isang lalakeng taga kuha ng impormasyon kung ano ba ang nangyari tungkol sa akin.
Sinabi ko ang lahat lahat na ang aking pasaporte ay nasa aking Employer at ako'y nagbitaw na sa king pag tatrabaho ng may maayos na kasulatan dahil nakahanap na ako ng mas magandang trabaho at malilipatan na medyo mas mataas ang sahod. Aking nasambit din na ako'y nag file na sa ministry of labor upang makuha ko ang aking Pasaporte  na pag aari  naman talaga ng bansang PILIPINAS na ating ding sariling bayan. Aking ding nabanggit at naitanong sa kanya na diba't yun naman po talaga ang batas ng Kuwait tatlong taong pag tatrabaho sa isang kompanya ay may release/kalayan na kaming makukuha?

At ang nakausap kung tao doon ay nag mungkahi sa akin na bakit hindi kana lang umuwi't mag hanap na muli ng ibang trabaho pabalik dito at  tutal na nga lang  din nag-file kana rin ng kaso sa ministry of labor ay hintayin mo nalamang ang magiging resulta nito at tsaka ka bumalik.! Isang napakagandang mungkahi buhat sa kanya diba? kaya't kayo na lamang ang magbigay kung ano man ang magiging opinyon ninyo o kuro kuro tungkol dito.

Siguro'y sa dami na din ng problemang kanyang napapakinggan sa araw araw kaya't kanya namang nasabi sa akin ang ganun kataga dahil sa paulit ulit na din nya sigurong naririnig ang hinaing ng ibang OFW bukod sa akin. Kaya't sa aking paglabas sa kanyang opisina'y lungkot ang aking naramdaman buhat sa kanyang mga kataga sa akin.

At ako'y nag hanap ng aking abugado na buong akala ko'y siyang mag aasikaso ng lahat ng aking naumpisahan pag rereklamo ngunit talagang inaalat pa ako't ako'y naloko pa ng aking naunang abugado nagbayad lang din pala ako para din naman pala sa wala kaya't ang tanong ko Sulusyon nga bay imposible? sa tuwing ako'y haharap sa korte.

Ngayon ay paso na ang aking Pasaporteng aking pinag lalaban at ganun din ang aking Bisa magdalawang taon na'y di pa din natatapos ang suliraning aking pinag dadaanan ngunit ganyan talaga ang buhay weather, weather nga lamang yan. Masasabing ilan lamang ako sa mga OFW na nagtitiis para lang sa pag unlad kahit naman konti para sa kinabukasan ng mga anak.
Ang ilan nga siguro'y mas hirap pa kesa sa suliraning aking kinakaharap ngayon.

Kaya't eto magtitiis na naman ng pang anim pasko na malayo sa mga anak mag titiis muli,mag pupumilit maging masaya sa araw ng pasko at iisiping para naman sa kanila kung bakit ako naririto sa bansang ito.














Piyesa ng pagkatao










Ako'y isang baguhang sumusulat. Oo ako si applefunks12 isang baguhang sumusulat mas kilala sa pangalang Dennis.
Di ko naman pinangagalandakan ang aking mga isinusulat para ako ay sumikat at masabing ako'y blogero o maka kuha ng pansin ng tao sumusulat lamang ako sa kadahilanang ako'y nagiging masaya na naisusulat ang mga kaganapan at nangyayari sakin pag araw araw na pakikisalamuha sa mga tao.

Ako'y marami pang hinahanap sa aking pagkatao parang isang palaisipan na mahirap buuin.
Alam kung di lahat ng makakabasa ng mga isinulat ko ay susunod sa agos na animoy parang mga isdang nag lalaro ng malaya sa tubig.
Na ang ilan ay sumusunod habang ito'y kalmado at ang ilan nama'y sasalungat pag malakas na ang galasgas ng agos nito.

Diyan naman din ako nakakakuha ng isang magandang inpormasyon sa lahat ng mga puna sa king sarili. Kaya't pasasalamat pa din ang tanging nasa isipan ko kung isa ka sa nag bibigay ng mungkahi sa akin.
Dahil ikaw at ang ilan pang nakakakita sa akin ang siya naman talagang makakapag bigay ng isang ideya na dapat pang baguhin sa aking sarili.

Marami din namang kasiyahan sa akin sarili pero kahit na may saya't ngiti ito sa aking muka'y marami din pala akong sugat buhat sa aking puso. Na nakatago at isa isa naman itong mag hihilom sa panahong natatagpuan ko ang mga pyesang hinahanap ko.

Buhat naman sa kadahilanang ikaw ang nagbigay sa akin ng ideya't akin namang sariling pagsisiskapang mabuo ang lahat ng ito at kung saang parte naman ng aking pagkatao ilalagay ang piyesang aking nakuha buhat sa tulong mo at sa ilang mga taong aking nakasalamuha sa pang araw araw.

Nag sisilbing isang aral ang lahat ng mga suliraning aking nakakasagupa't mag sisilbi naman itong parang aking Guro.
Upang mahasa ang aking pag iisip at madadagdag pa sa aking kaalaman. Paraan kung paano lumaban ng di na muling masugatan ang puso't aking damdamin. Upang hindi na din maging isang pusong bato't matigas na damdamin na parang ubod ng matandang kahoy na walang kasing tigas na sya pading nakatayo sa gitna ng masukal na kagubatan.

Sa paraang ito'y aking nakakalimutan ang ilan sa akin mga suliraning naganap sa akin buhay. Kaya't natatawa nalamang ako matapos na aking mailimbag ang lahat ng ito sa paraang ginagamit ko ang aking malayang kaisipan at mabuo ko ang naganap na sa aking pag katao at buhat sa aking personal na pangyayari sa aking sarili.






Thursday, October 13, 2011

Malayang isip.✍


Minsan akala ko okay ang lahat
Ngunit sa isa palang banda
Madami pa din pala ang dapat kong gawin
Upang maging okay ang lahat sa akin buhay.
`
Minsan ay di maka pag isip ng tama
At minsan nama'y tulala, ngunit kailangan lang mag tiyaga.
Magsaya naman kahit lang minsan
Iwanan kahit panandaliaan ang kalungkutang pinag dadaanan.
`
Dadating din ang isang araw na kasiyahan
Walang katulad bukod sa inaasahan kung makamtam.
Nakakapagod na araw na pag iisip
Na sana'y di na muling maulit.
`
Upang ang aking  ulo'y hindi na din muli pang sumakit.!
Sumandal sa upuan at ang mga mata'y sandaling ipikit
At aking  paliliparin ang malayang isip.
`

Sunday, October 9, 2011

Tirador ni Ompong



Isang pahanon ng tig-mangga nag usap-usap ang magkaka ibigang Enteng,Ompong at Bisoy na mag punta sa kanluran upang doo’y manirador ng mga hinog na mangga.
Mag bubukang liwaway ng silay umalis dahilang medyo malayo ito sa kanilang bahay at tatawid pa sila ng isang ilog upang marating ang isang puno ng mangga na hitik sa hinog na bunga nito.


Silay nag mamadali dahil nag uuna-unahan silang makarating doon dahil sa mga nag babagsakan na hinog na bunga nito. Nang sila’y makarating doo’y wala ni isa silang nakita dahil may nauna ng nagpunta at namulot ng nagbagsakan na hinog na bunga nito.
Isang nag papastol ng kalabaw ang naka una sa kanila kayat itong si Ompong ay nanguna ng manirador na lamang ng hinog na bunga ng mangga.


Bagamat alam nilang si Opmpong ay talagang mahusay manirador dahil likas na asintado ito dahil wala naman itong ibang inatupag at nilalaro bukod sa kanyang laruang tirador kayat ang mga kaibigan nitong si Enteng at Bisoy ay halos di makatama sa bunga dahil sa taas ng punong iyon.


Nag uusap ang dalawa nyang kaibigan. ang galing galing ni Ompong sa tirador asintado talaga sya sabi ni Enteng.


At itong si Bisoy ay pagod na dahil sa kakabira ng kanyang tirador ngunit iilan pa lamang ang kanyang nakukuha dahil sa taas ng puno.


Wala.! wala Talagang di nyo pala ako kayang pantayan sa pagka asintado ko.


"hahaha''
"Laging bukang bibig ni Ompong.


Madalas ay pinag yayabang ni Ompong ang kayang pagka asintado sa laruan tirador halos lahat ng makita nyang maliliit na insekto gaya ng tutubi paro-paro atbp, Itoy kanyang madalas na tinitirador dahil sa kanyang pag-papasikat sa kanyang mga kaibigan.


Tanghaling tapat ng silay mag pahinga sa ilalalim ng puno na may malagong dahon nakakita si Ompong ng isang ibong dumapo sa sanga at itoy kanyang tinirador sa pak-pak. Ng bumagsak sa lupa ang ibon. Itoy kanyang kinuha at iginapos sa paa upang iuwi sa kanilang bahay.


Pakawalan mo na yan di ka na naawa sa mga tinitirador mo sabi ng dalawa nyang kaibigan na si Enteng at Bisoy,


Naiinggit lang kayo eh’ kc ako ang naka kita nito at naka tirador balik na sagot naman ni Ompong sa dalawa nyang kaibigan.


At makalipas pa ang ilang oras nag pasya ng umuwi ang tatlong magka kaibigang Ompong, Enteng at Bisoy sa kanilang mga bahay.


Nag hiwa-hiwalay na sila at nag si uwian na sa kani-kanilang mga bahay ng makarating si Ompong sa kanilang bahay tinatawag nya ang kanyang Inay.


Inay, Inay' madami po akong uwing manggang hinog at isang ibong di ko po alam kung anong ibon po ito,


Nako' Ompong pakawalan mo na nga yang ibon na iyan ikukulong mo lang yan at paparusahan eh’’ sabi naman ng kanyang inay,


At pabulong na nag sasalita si Ompong laban sa kanyang inay. Bakit ko papakawalan ito habang ang kanyang mukay simangot”


Dinala nya ang ibon sa kanilang likod bahay at doo’y inihagis sa loob ng kulungan at kanyang ikinulong,


Ompong nasaan ka ba? malumanay na tawag ng kanyang inay,


Andyan na po’’ tawag ng tawag pabulong na sagot ni Ompong muli sa kanyang inay,


Maligo kana at kumain kana tigilan mo na yang kaka laro mo ng tirador pinarurusahan mo lamang ang di umiimik na mga insekto at ibon eh..


Matapos mag hapunan at nag tatakip silim na nakakaramdam na din si Ompong ng pagka pagod dahil sa layo ng nilakad nilang mag kakaibigan, nakatulog ito kanilang papag habang unti unting nahihimbing na ito sa pag tulog.


May nakita sya na isang Diwata” sa kanyang panaginip,


Inaya sya nito na mag punta sa kanilang palasyo at ng silay makarating doon.


Ompong ito ang aming hardin at palasyo sabi sa kanya ng Diwata. At nakita nyang ang dami daming tutubi, paro-paro at iba ibang klase ng insekto na di pa nakikita ni Ompong na nag sisiliparan at masayang paikot ikot sa paligid,


Sayang di ko nadala ang laruang tirador ko sabi ni Ompong,


Talagang mapag malupit ka sa mga inosenteng mga insekto wika ng Diwata. Di mo man lang ba pinag papahalagan ang buhay nila?


"tanong sa kanya ng Diwata.


,,Ngunit silay isang insekto lamang sabi ni Ompong’’


Dahil dyan ay gagawin kitang isang tutubi ng maranasan mo din ang nararamdaman nila sa tuwing silang pinarurusahan mo Ompong.


Biglang dumilim ang paligid at bumagsak ang ulan mula sa kalangitan at kumidlat ng malakas’’


“naging isang insektong tutubi si Ompong,


Syay umiiyak dahil sa nangyari sa kanya nararamdaman nyang nakaka-pagod lumipad ng lumipad kaya’t napadapo sya sa isang sanga ng puno na walang dahon nakita nya ang mga kaibigan nyang si Enteng at Bisoy,


Ayun may malaking tutubi Bisoy halika’t tiradurin natin at pag paraktisan natin yan ng sa sususnod na manirador tayo nila Ompong ay ipapakita natin na nagiging asintado nadin tayo sabi ng dalawa,
Habang patuloy sa pag lalaro ng tirador ang mga kaibigan nya at sya’y pinag pa-praktisan na tiradorin.


Sya’y nadaplisan sa buntot at paikot ikot syang bumagsak sa damuhan.
at nararamdaman ni Ompong ang sakit na kanyang ginawa sa mga insektong kanyang pinarusahan,pag laruan at pinatay.


Ayun natamaan ko ang tutubi masayang sabi ni Enteng hanapin natin Bisoy at atin din itong igapos sa sanga. Ng makita nila ang ang tutubing kanilang nadaplisan sa buntot itinali nila ito at pinag papraktisan muli..wag maawa kayo sa akin ako ito si Ompong ang kaibigan nyo’
‘Ngunit di naman sya naririnig ng mga ito dahil sya’y isang anyong tutubi. Ng isabit sya sa sanga upang paglaruan at pag praktisan muli napasigaw sya maawa kayo sa akin 


“huhuhu’’


Umiiyak na sigaw ni Ompong sa kanyang pag tulog.


At ng marinig sya ng kanyang Inay ginising sya nito Ompong kanina ka pa sigaw ng sigaw at iyak ng iyak dyan habang natutulog. Ano bang napapangarapan mo at bat dyan ka natulog?


Umakayat kana nga doon at doon kana matulog sa taas sabi ng kanyang Inay.


"Itong batang ito napaka pasaway talaga.


hay’’ Salamat naman at panaginip lang ang lahat sabi nya sa kanyang isip at sarili habang paakyat na sya sa itaas ng bahay nila.


Kinabukasan ginamot nya’t pinakawalan na nya ang ibon na kanyag ikinulong.
At ng dumating sa bahay nila si Enteng at Bisoy sinabi nyang di na nya uulitin ang mga pagpapahirap at pag mamalupit nito sa mga tutubi’ paro-paro atbp,


Lalaruin na lamang nating ang tirador ng walang napaparusahang mga ibon at mga insektong nananahimik wika ni Ompong sa kanyang mga kaibigan.




                          Wakas....







Ang kwentong pambatang ito ay ang aking lahok sa Saranggola Blog Awards 2011

Saturday, October 1, 2011

solusyon ba'y imposible?





Sa ganitong buhay namin ay maraming mga isyu ako'y tumayo sa harap at natatakot minsa'y litong lito hindi na minsan alam kung ano nga ba ang paraan upang malutas ang tungkol dito. paminsan-minsan ay nag-hahanap ng oras at pag-asang makita ko ang isang solusyon sa lahat ng ito.. 

Ngunit sa kasamaang-palad ito ay kawalan ng pag-asa't pagkabigo, takot, aagam-agam. ang solusyon nga ba'y imposible?? Habang nag hahanap at matatagpuan ang takot sa habang panahon

Biglang nakita ko ang araw mula sa pagitan ng ulap gamit ko itong isang ideya o solusyon sa aki'y upang malutas lamang ng kahit sandali ang mga pagkabigo, takot at aagam-agam sa aking sarili..


halo-halong pagtataka at kaba sa akin sarili kung papaano mapinino ang lahat ng ito at kung paano din mangyayari! at pag-asa sa mabuting ibubunga nito sa aking buhay at magbabalik muli ng isang ngiti sa aking mga labi at sa aking puso...







maliit na mundo

Nakaka-sakal ang maliit na mundong aking ginagalawan.
sa aking pag iisip maraming takot na di maipaliwanag sa tuwing ako'y lalabas ng aking pinto'y nag isip na sana'y maging maayos ang lahat hanggang sa aking pag babalik sa aking tahanan.
sana'y maging maayos na ang lahat..

Hiling ko lang naman at pinag-lalaban ang dapat na para sa akin.!
wala naman masama kung kunin ko ang para sa akin,
Bakit ba paulit-ulit lang? Yan ang tanong ko sa aking sarili
nakakasawa na din pero kailangan lang mag-hintay ng mag-hintay 
walang sawang pag hihintay,

Ngunit minsa'y sa aking pag lalakad o sa pag sakay sa bawat kalyeng aking madadaanan di maiwasan na akoy mabagabag na sanay manatiling ligtas at abutin pa ng isa pang bukas,

At palaging tanong sa akin sarili kailan ba matatapos o mag wawakas ang takot at pag-aalala na laging bumabagabag sa aking isip? minsa'y nakakasawa na din ang umiwas ngunit ayaw ko naman na dito na lang din ako mag wawakas.


So cheer up Smile focus to other things that makes you Happy.

not your problems coz it will gonna ruin our life don't let any circumstances life weight you down,

nonetheless use to view our horizon. Life is too short so live it to the fullest. if you think that your problems is bigger than you then think a million times.

mind is a permanent lost, but i accept and dealing with it emotional,physically,mentally coz it's for lifetime battle I should take and compare your case,It's just a temporary battle,you can still deal with it It's your own choice on how you handle it..diba..!