Saturday, September 29, 2012

Kalimutan ang problema at lakbayin ang hardin.







Sa dami ng mga problema bat hindi muna kalimutan kahit panandalian at palitan ng kasiyahan habang nilalakbay ang kagandahan ng hardin bagkos malugmok sa kalungkutan bakit hindi magsaya at kalimutan ang problema at lakbayin ang napakagandang hardin upang mapanatag kahit konti ang isipan.



Araw ng pagkaka-kuha: Oktubre 10, 2011

Kinuha sa: Kuwait scientific center. 



  
Ang larawang ito ay aking kalahok sa  Saranggola Blog Awards 4
























Tuesday, September 18, 2012

pananabik ng manlalakbay



Matagal tagal na din ang nakalipas ng mag lakbay ang Ama patungo sa deserto marami ng taon nakalipas di nag kasama-sama at marami na ding taon ang paskong di nagkasalo-salo ilang taon na din ang nakalampas sa kaarawan hindi nakasama sa pag diriwang ng kaarawan ngunit sa taong ito tsak na si Ama’y pauwi na dahilang sa naging malaking problema ay natapos na. Ang Ama’y pauwi na sa ilang taon na pangungulila mula sa paglalakbay dala ang manikang hiling ng anak.

Sa pag babalik bitbit ang maleta na naglalaman ng dawalang manika para sa dalawang anak sa tagal na nagkawalay at sa mga anak ay pananabik at muling mayakap ilang buwan bakasyon ilalaan ang buong maghapon at gabi'y gugugulin dahil sa pag babalik at muling pag lalakbay sa bansang banyaga daladala ang ilang buwan na kaligayahan na sila'y muling nakapiling subalit muling magtitiyaga na ang mga anak ay di muling makasama at ilang taon na naman pananabik at pangungulila ngunit tiyak naman sa mga susunod na taon palagi ng mag kakasama-sama.

Dala ang pag-asang mabigyan ng magandang kinabukasan dahilan sa edukasyon ang nagbigay sa ng lakas ng loob para makipag sapalaran sa magiging hamon ng buhay sa sakripisyo'y handang ialay hanggat ang ama ay binibigyan ng hininga at buhay mananatili ang determinasyon. Naging medyo mahirap man ang naging pakikisalamuha sa iba-ibang lahi ngunit ang buhay handa sa kanilay ialay sa pag hahanap buhay. Malayo man magtitis kahit sa kalaliman ng gabi’y tumatangis,lumuluha na di kasama sa araw-araw.

Dadating ang araw na magkasama-samang muli bagama’t matagal-tagal ng nawala kinabukasan at pag-aaral ng mga supling pinaghandaan mula sa pangingibang bayan masarap at mahirap ang pangingibang bayan sarap na masasabi dahilan naibibigay ang pangangailangan yan ang kasiyahan nararamdam at kalungkutan minsan napapakiramdaman at napag dadaanan sa pangingibang bayan dahilan milya milya ang kalayuan maraming bansa libo-libong bayan ang dinaanan mula sa itaas na pinagmasdan kasama ng mga ulap sa kalangitan.

Dala ang kasiyahan at may konting kalungkutan na muli ang anak ay maiiwanan upang muli'y makikipag sapalaran sa bansang muling papatunguhan at pangungulila man ang maging kapalit kikitaing salapi ama ay mag pupumilit na makaipon upang hindi na muli pang mawalay kayat konting tiis pa  anak si ama ay pauwi na. Anak ay nagungulila sa Ama'y ninanais  makasama sa mga panahon na silay nangungulila sa Ama ngunit wala din naman magawa ang amang manglakbay dahil sa hirap ng buhay kailangan lang ang magtiis ,magtiyaga kahit nandyan pa’y manabik sa isat-isa. Naliligid man ang mga luha di na mag tatagal muli ng magkakasama sama sa isang tahanan puno ng pag asa.



                                      Ang Maikling kwentong ito ay aking lahok sa Sarangola Blog Awards 4 














Monday, September 17, 2012

Paraiso ni Anie.



Lumilipad-lipad ang isang alitaptap sa isang madilim na kagubatan malayo sa kaguluhan tanging mga alingaw-ngaw lamang ng mga gamo-gamo, palaka at ibang pang insekto ang maririnig sa tuwing sasapit ang gabing madilim ilaw ng alitaptap tanging makikita sa paligid sige lipad pa lipad alitaptap wika ng isang paslit na malayo sa kabihasnan hindi tulad ng karamihan isang batang hindi pang karaniwan kung iyong mapag-mamasdan. Sa isang maliit na kubo ang tahanan ng batang paslit kasama ang kanyang mga magulang isang batang pinalaki ng malayo sa kabayanan na ang kapaligiran ay isang kakahuyan na kung magtatakip silim gasera ang kalingan upang mailawan ang kanilang munting loob ng tahanan.

Sa pag-sapit ng dilim batang paslit alitaptap kanyang hanap sapagkat ito ang kanyang madalas na nakikita tuwing lalalim ang gabi sa kanilang kapaligiran.  Isang gabi ang batang paslit na si Anie ang pangalan matapos mag-hapunan sa kanilang maliit na munting tahanan maya-maya’y nakaramdam na ng antok ang batang si Anie sabi nya sa kanyang ina Inay magpapahinga na po ako sa itaas at nakakaramdam na  po kasi ako ng  pagka-antok eh. Anak maglinis ka muna ng paa at katawan mo bago ka tuluyang mag-pahinga hintayin mo lamang saglit ang iyong ama siya ay padating na dala ang tubig mula sa balon wika ng kanyang Inay.

Matapos maglinis ni Anie siya ay tuluyan na ngang nag-pahinga maya-mayay nakatulog na ang batang paslit na si Anie habang sa pagkakahimbing niya sa kanyang pagkakatulog naglakbay ang kanyang diwa. Paro-paro paro-paro kay gandang mga paro-paro kasama ng ilang alitaptap sa hardin sa kagubatan na para bang isang maliit na paraiso bakit ako naririto? Wika ni Anie sa kanyang sarili kanina lamang ay naalala ko na akoy nag hapunan at nag pasyang magpahinga ng maaga ngunit bakit ako naririto sa isang paraisong ngayon ko lamang nakita?

Nagpatuloy ang kanyang panaginip naglalakbay na kanyang diwa animoy parang isang totoo kanyang nakikita at may tinig na narinig ang batang si Anie hindi kalayuan sa kanyang kinatatayuan tinig na kanyang naririnig dibat kay gandang pag-masdan paro paro’t alitaptap kumikinang na paligid ginto at pilak iyong makikita sa aming kapaligiran? Wika ng misteryong tinig sa batang paslit.
Naglakad lakad pa si Anie sa hardin siya’y namamangha sa kanyang nakikita isang mahabang mesa ang kanyang nakita punong puno ng masasarap na pagkain inihaw na manok mga hinog na prutas siyang naka-hain.

Sa kanyang pag-lalakbay sa isang pambihirang paraiso walang hangganan kasiyahan kanyang nakakamit ngunit sa kanyang pag-gising normal na hardin kanyang lilinisan upang makatulong sa kanyang mga magulang para sa kanilang kabuhayan na madadala sa bayan. Ito ang tunay na paraiso paraisong malayo man sa kabihasnan ngunit ito ang makatotohanang paraiso ni Anie kasama ang kanyang mga magulang sa pag-papatuloy ng paglalakabay at gabay sa kanyang mura at musmus na isipan. 



 Ang kwentong pambatang ito ay aking lahok sa Sarangola Blog Awards 4