Thursday, September 29, 2011

true love waits





ang makasama at makapiling ka kailanman ang nais ko,
at alam ko na ito din ang ninanais mo lalo na pag
tayo ay magkasama may isang pakiramdam na sa ating mga puso'y
mahirap itago
pananabik na galing sa ating mga puso ..

pareho tayong nag mamahalan ngunit tayo ay masyadong malayo sa isat isa,
dahil naniniwala tayo na ang pag ibig natin ay mula sa kaibuturan ng ating mga puso
kaya kayamanan ito na regalo mula sa Panginoon
sa ating mga puso'y maghintay para sa tamang oras at panahon na dumating para sa atin,

ang totoong pag-ibig ay nanaka-paghihintay, Oo ang totoong pag-ibig ay nakaka-paghihintay
may sakit man ito sa ating mga puso.

kapag ang tunay na pag-ibig natin ay naghintay.!
ngunit kagalakan naman ang tanging kapalit nito kapag tayo ay pinagpala ng Panginoon,
 
ang tunay na pag-ibig nakaka-paghihintay, Oo tunay na pag-ibig ay nakaka-paghihintay
abutin man ito kahit gaano katagal,
para sa ating mga puso sa katapusan nama'y pareho ang magiging tibok nito.!







Tuesday, September 20, 2011

Laruan ng taga bukid

Nagising mula sa kanyang kina-kahigaan dumilat naupo sa kanyang higaan at napaisip. Dahil sa kanyang panaginip. hay buntong hininga mula sa taga bukid'' Nagtanong ang isang taga bukid sa kanyang sarili ano ba ako ngayon? Anong meron ako ngayon na dati wala naman ako? Napa-isip at may na alala siya mula sa kanyang pagka bata naalala lang nyang lumabas sa isang eskinita si Betong ang kanyang kababata na may dalang isang magarang laruan.


Laruang di gulong na may makina napatingin na lamang si taga bukid kay Betong at tila ba parang may pag kasa-sabik sa ganun klaseng laruan hanggang sa pag lakad-lakad nya naka-kita siya ng dalawang lata at naisipan nyang gawin ang dalawang latang iyon na kanyang laruan na itinuro pa ng kanyang Ama kung paano gawin. Ang laruan lata na binutasan sa gitnang bahagi magkabilaan at nilagyan ng piraso ng alambre at kahoy at siya namang ginawa niyang laruang isinusulong ni taga bukid.
Hanggang isang araw natapos ni taga bukid ang kanyang pinag ka abalahan at pinag-hirapang laruang lata na gumugulong masaya na si taga bukid sa panahon na iyon kahit di naman siya maibili ng kanyang mga magulang ng isang magarang laruan na katulad ng kay Betong.


At isang hapon natutulog ang kanyang Inay marahil ay sa pagod na din mula sa pag titinda ng prutas sa palengke at habang si taga bukid naman ay masayang nilalaro ang kanyang isang simple at di magarang laruan. Nagising ang kanyang Inay dahil sa ingay ng kanyang laruan. Tinawag siya ng kanyang Inay at tila ba galit na galit pa. Kinuha mula sa kanyang mga kamay ang laruang lata at ipinalo sa kanya ang tatangnan nitong kahoy napaiyak si taga bukid dahil sa sakit at latay na ipinalo sa kanya mula sa tatangnan ng kanyang ginawang lauran na ipinalo naman sa kanya ng kanyang malupit Ina.


Mula ng araw na din iyon di na muling naglaro si taga bukid ng isang laruang lata na isinusulong dahil sa kalupitan ng kanyang ina kaya nung mag karoon ng sariling anak si taga bukid sinabi nya sa kanyang sarili na ako naman.
Eto na ako ngayon'' sinabi sa kanyang sarili na papasiyahin nya ang kanyang mga anak ng may pag mamahal at kung kaya naman nya ibigay ang isang laruang magara gagawin nya ito at ibibigay ng may pag mamahal.


Kaya ngayon nag-sisikap si taga bukid upang mapasaya naman ang ilang mumunting mga bata at makapag bigay ng kahit konti o katiting na kasiyahan.


laruang lata




Ang maikling kuwentong ito ay kasali sa Saranggola Blog Award 2011

Sa maliit na pulo ni lolo Jose

Sa isang nayon doon tayo'y mag punta,
doo'y matatagpuan ang isang maliit na pulo ni lolo Jose,
doon ay may malit na batis tayo'y mag-laro at mag tampisaw,
sa malamig at malinaw na tubig ng batis.

Doo'y lang-hapin ang sariwang hangin,
habang kumakain sa sariwang dahon ng saging,
mag hintay ka lamang parating na ang hinog na mangga at saging,
na sa hapag kaina'y handa ng ihain.
Matapos tayong kumain,
kalabitin ang gitara't sabayan natin ang mga ibat-ibang ibong uma-awit,
habang ang ila'y abalang nag lalaro at nag hahabulan,
sa malamig at malinaw na tubig ng batis.

Sa kasiyahan naming natamo,
mula sa pulong pambihira at kahanga-hanga,
sa tahimik na munting paraiso pinupukaw ng mga ibong masayang uma-awit,
sanay minsan pa'y masabayan at maulit kasama ng aming mga munting tinig. 


Ang Tulang ito ay kalahok sa Saranggola Blog Award 2011

Laruang lata

Ang laruang latang ito ay gawa sa dalawang basyo ng lata,piraso ng alambre at kahoy na tatangnan..




Laruang lata





Ang larawan/photoblog na ito ay kalahok sa Saranggola Blog Award 2011