Thursday, March 8, 2012

Hindi naman masama ang mangarap.✍

Sa aking mapangahas na isipan marami ang ang sadyang aking napag-iisipan dala ng aking munting mga pangarap na kahit paano'y alam kung unti unti ng nakakamit kahit sa isang sulok ng isipa'y medyo may kahirapan ngunit hindi ito ang hahadlang sa mga ninanais dahil hindi naman masama ang mangarap.

Isang buhay maraming pag-ibig at kasawian ang napagdaan ngunit sa tamang panahon at pagkakataon dadating din ang isang pag-ibig na walang makakaparis kahit na sino pa man. Dahilan ng mga pagluha sa nakalipas. At sa panibagong kabanata ng buhay, ito man ay kakatwa patuloy ang simpleng pangarap at pag-mamahal ng tapat.

Sa abot ng makakaya at sa tingin man nila'y di ito kayang panindigan ngunit itoy mananatiling kalmado na para bang isang bulkan na natutulog at walang ka abog-abog bigla na lang itong sasabog na walang iisiping hahadlang na kahit na malalaking kahoy sa kagubatan ito'y kanyang dadaanan ng walang pag aalinlangan.

Sa madaling salita sa haba ng nabasa nyo at nag paikot ikot pa tayo ang munting pangarap ko lang naman ay ang mahalin ko ang isang babaeng matagal ko ng gusto hehehe...
At sana makasama ko sya ng panghabang buhay na' ng hindi na ako muli pang luluha maging big happy family na kasama ko sya.. oi tama na nga baka sabihin nyo nman korni ko na hahaha....:)

`
`